Biktima ng hazing, kagustuhan nila

WALANG karahasang nangyari noong Huwebes na tinawag na “national day of protest” na kasing-araw ng pagdeklara ng martial law noong Sept. 21, 1972.

Naging malumanay ang mga ralyista at ang mga pulis naman ay lumayo sa mga lugar na pinagdausan ng protesta.

Sana ganoon na ang mangyayari sa mga protesta laban sa gobyerno sa pagdating ng mga araw.

***

Walang nangyayaring karahasan kapag ang mga nagpoprotesta ay makatwiran at mahinahon sa kanilang paglabas ng kanilang mga hinaing.

Street protests and rallies are the people’s right to air their grievances.

The right of people to peacefully assemble to complain to the government or any institution is right guaranteed under the Constitution.

Ang taong mahinahon sa pagsasalita ay napapakinggan samantalang ang isang tao na mapusok sa kanyang pananalita ay nakakahanap ng kanyang katapat.

***

Isa na namang miyembro ng kabataan, si Horacio Castillo III ay napatay hindi sa kamay ng mga pulis kundi sa kamay ng mga kanyang fraternity “masters.”

Sana’y maging aral ito sa mga lalaking nasa kolehiyo na mag-isip ng dalawa, tatlo o maraming beses bago sumali sa mga fraternity.

Alam ng huling biktima ng hazing na si Castillo, at maging yung mga nauna sa kanyang namatay sa hazing, kung ano ang gagawin sa kanilang mga masters sa initiation rites.

Alam ni Castillo na ipahihiya siya at bubugbugin sa tinatawag nilang rite of passage.

Kasalanan ng mga nasawi ang kanilang maagang pagkamatay.

Ginusto nila ang kanilang sinapit.

***

Eh, ano naman kung tatawagin kayo na “barbarian” ng iyong mga kaeskuwela kung hindi kayo miyembro ng fraternity sa iyong kolehiyo o unibersidad?

Will that make your college life miserable?

Ang inyong kinabukasan ay nakasalalay sa iyong mga kamay, hindi sa fraternity.

 

***

Inatasan ko na ang aking mga staff o “angels” sa Isumbong mo kay Tulfo na huwag nang tanggapin ang mga reklamo ng pang-aabuso na dinanas ng mga domestic helpers sa kamay ng kanilang amo na Arabo.

Alam nila kung ano ang pinasukan nila nang sila’y mag-aplay bilang domestic helper sa Saudi Arabia o ibang bansa sa Middle East.

Ang mga Arabong amo ay mga hindi sibilisado pagdating sa pagtrato sa kanilang mga katulong.

Lalo na’t ang kanilang katulong ay Pinay, Indonesian o Bangladeshi.

Ang trato sa mga katulong sa Saudi ay ari-arian ng kanilang mga amo.

Marami-rami na rin kaming natanggap na sumbong tungkol sa pagmamaltrato sa mga katulong na Pinay sa Saudi at ibang bansa sa Middle East.
Andiyan yung tinatadyakan, sinusuntok o sinasabunutan sa maliiit na pagkakamali. Andiyan yung pinapasa sila sa iba’t ibang kabahayan na kamag-anak ng kanilang mga amo.

Andiyan ginahasa sila ng among lalaki at pinagseselosan ng amo nilang babae.

Andiyan di sila pinakakain o kung pinakakain man ay panis ang na pagkain ang binibigay sa kanila.

At kung nagsumbong ang ilan sa kanila sa mga pulis ay ginagahasa naman sila ng mga pulis sa presinto.

Marami nang naipabalik ang “Isumbong” sa bansa dahil nagreklamo ang kanilang kamag-anak habang nasa Saudi sila.

Ewan ko kung bakit nagpapadala pa rin ang ating gobiyerno ng mga katulong sa Saudi Arabia.

Read more...