Sa 2019 makapag-asawa

Sulat mula kay Maricar ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Nagta-trabaho po ako sa isang call center, kaya lang nag-resign ako kasi hindi ko kaya ang sobrang puyat. Sa ngayon ay nag-aplay ako sa isang telecommunication company, matatanggap kaya ako? At kasabay nito nag aaplay din po ako sa abroad, sa isip-isip ko kasi kung ano ang mauna, malamang yon ang calling ko? May chance po ba na makapag-abroad? Sa ngayon ako po ay 34 years old na ako at hindi pa nagkaka-BF. Sabi ng nanay ko nag-aalala siya baka daw ako tumandang dalaga, kasi may lahi po ang both side ng mother at father ko ng matandang dalaga, kaya itatanong ko na rin po kung magkaka-boyfriend ba ako at makapag-aasawa kaya ako at kailan? September 5, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Maricar ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wag kang mag alala Maricar na baka tumandang dalaga ka habang buhay, dahil may malinaw namang nakikitang Marriage Line (arrow 1.) at magandang Heart Line (arrow 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin siguradong magkaka-boyfriend ka hanggang sa tuluyang makapag-aasawa at malaki rin ang posibilidad na sa iyong pag-aasawa, uunlad ka sa larangan ng materyal na bagay at habang buhay kang liligaya.
Cartomancy:
Ang pag-aanalisang uunlad ka at lligaya sa pag-aasawa, ay madali namang kinumpirma ng Ten of Hearts, Queen of Hearts at King of Diamonds, (Illustration 1.). Ibig sabihin, maaaring makapag-aasawa ka ng isang professional na lalaki na malaki ang suweldo, at sa iyong pag-aasawa, tulad ng nasabi na, uunlad ka na tinatayang magaganap sa taong 2019.
Itutuloy…

Read more...