Lucy napasama dahil sa kadaldalan ni Goma

LUCY TORRES-GOMEZ AT RICHARD GOMEZ

SIMPLE lang.

Kasing pamagat ng sikat na awitin ni Ariel Rivera ay ang kasimplehan din lang kung tutuusin ng hinihingi ng mga mamamayan mula kay Cong. Lucy Torres-Gomez.

Isa kasi siya sa mga tinatayang mambabatas ng Mababang Kapulungan sa mga nagsulong sa proposed budget ng CHR na isang libong piso.

All that the citizens want of her ay ang kanyang stand in justifying her vote. Nagkataon lang marahil na sa hanay ng mga kongresistang may showbiz kunek—next to Rep. Vilma Santos-Recto—ay makulay ang persona ng maybahay ni Mayor Richard Gomez.

Lucy’s innate smartness and intelligence can make her get away with a stand that does not sit well with the Gascon allies.

Kung nagkataon nga lang din na nakaboto si Ate Vi—blame her absence on her ill-timed ulcer attack—she, too, would have found a beautiful explanation to bolster her stand on the budget issue.

Pero sa halip nga na tugunan ni Lucy ang simpleng tanong lang ng taumbayan (who invoke their right to information) ay tahimik lang siya. Instead ang nagsilbing tagapagsalita niya—unofficially, that is—ay si Richard.

Sa showbiz circle, kilalang barador o pikon si Richard, a trait na nakasanayan na rin among those who dare to ask questions when they already know the answers. Puwedeng nang-iinis lang ang mga ‘yon, testing the extent of Richard’s tolerance.

Kaso, mukhang na-miscalculate ni Richard how base the netizens’ comments can be. Nariyang kinukuwestiyon ang antas ng kanyang natapos.

Worse, like a ghost of the past that continues to haunt the present, hindi nakaligtas ang actor-mayor sa isang makasaysayang alamat, a tale long forgotten but is being retold.

Again, hindi essay ang hinihinging paliwanag mula kay Lucy at sa ibang mga kongresista. At kung bumoto man siya ng P1,000 proposed budget para sa CHR, napakadali lang segundahan ito ng, “Dadaan pa ‘to sa Senado. Magkakaroon pa ng bicameral conference ukol dito at saka lang dadaan sa Pangulo.”
Maliban na lang kung mahina talaga ang pick-up mo, katanggap-tanggap ang ganitong parliamentary answer.

 

Read more...