LAST week ay nagpalabas ang LTFRB ng bagong kautusan na lilimitahan ang mga operators ng Uber at Grab ng tig-tatlong kotse lamang.
Ayon kay LTFRB chair Martin Delgra III, ito ay upang masiguro na hindi sasamantalahin ng mga taxi operators ang pagiging legal na ng TNVS o Transport Network Vehicle Services.
Tama ito!
Dahil ang tunay na layunin ng Uber at Grab ay ridesharing at ride hailing kung saan hinihimok ang mga private car owners na magsakay ng iba para mabawasan ang sasakyan sa kalye.
Tandaan natin na nagsimula ang sistema ng pagsakay na ito sa San Francisco sa America para sa ride sharing project.
Pero nang dumating ito sa bansa ay mabilis na dinampot ito ng mga magagaling na negosyante at agad ginamit sa pagkakakitaan.
Tama lang na isang kotse isang may-ari ang estilo para mapanatili ang accountability at premium service ng Uber at Grab.
Dahil kung papayagan ang TNV fleets ay siguradong malayong maging mala-taxi na naman ang serbisyo nila.
Mukhang na-ge-gets na ni Delgra ang tunay na layunin ng TNVs at TNVS.
Minsan maganda ring makinig kasi sa payo ng mga taong heavily invested sa mga ganitong bagay.
***
Mukhang sasakit ang ulo ng mga dealers ng Ford ngayon sa bagong presidente ng American Car company na French-Canadian.
Ito ay dahil nagsimula na itong magpakita ng pagkatigas sa mga demands ng mga dealers.
Unang indikasyon nito ay ang pagtanggi niya na ipasok sa bansa ang sikat na Ford GT.
Ang GT ang ugat umano ng petisyon ng mga Ford dealers para palayasin ang dating pinuno ng Ford Philippines na si Lance Mosley.
Dumiretso umano ang isang Ford dealer sa America para bumili ng GT ng hindi dinadaan sa local office kaya hinarang ito ni Mosley.
Bagamat magaling, napilitan ang regional office ng Ford na alisin si Mosley dahil natakot ang Ford sa banta ng mga dealers niya sa Pilipinas.
Si Mosley ay pinalitan ni Bert Lessard, isang French-Canadian na ang huling assignment ay sa Vietnam.
***
Auto Trivia: Nakikita niyo ba yung mga pahalang na linya sa kalye na inuuga ang kotse ninyo pag dinaanan? Ang tawag dito ay rumble strips at layunin nito na ipalala sa inyo na dapat na bagalan ang pagmamaneho dahil dahil may papalapit na intersection, danger zone o construction.
Una itong ginawa noong 1952 at isa sa layunin nito ay gisingin ang inaantok na
driver.
Para sa komento o suhestiyon, mag-email sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.