Demonyo sa UST?

ALTHOUGH Satan’s action may cause grave injuries… it is permitted by divine providence. It is a great mystery that providence should permit diabolical activity, but “we know that in everything God works for good with those who love him.” Catechism of the Catholic Church 395, Rom 8:28

Nakapanlulumong may estudyante sa UST (Catholic at Pontifical university, pinagmimisahan ng mga Santo Padre) na pinatay sa gulpi. May demonyo na naman sa UST (ang unang diabolical activity ay ang pag-salvage dahil sa katiwalian sa ROTC).

Sa buong bansa, ang masidhing paglaban sa demonyo ay ginaganap ng mga exorcist (pangunahin sina Fr. Jocis Syquia, chief exorcist ng Archdiocese of Manila, at Fr. Winston Cabading, Dominicano at prof sa UST seminary) sa Archdiocese of Manila, San Carlos Seminary at UST. Sa UST din ginanap ang ilang araw na conference ng mga pari sa lahat ng diocese para linangin ang kanilang masigasig na paglaban sa fallen angels, kay Satanas.

Ang sabi ni St. Paul, the good that he must do, he does not do and the evil that he must not do, he does. Iyan ang sinapit ng batang estudyante, lipos ng pangarap sa abogasya, sa mga demonyo. Nasaan ang araw-araw na panalangin sa UST? When the devil is called the god of this world, it is not because he made it but because we serve him with our worldliness, ani St. Thomas Aquinas.

Ang nangyari sa estudyante ay EJK. Maaaring pangunahan ni Bato ang imbestigasyon para siya makabawi (at di UST ang mag-iimbestiga). Ito’y murder at umpisahan ang imbestigasyon sa fraternity advisers. Bakit pinayagan ang fratmen, babae’t lalaki, na saktan ang estudyante? Maka-Diyos ba yan? Huwag papatay, pero di ito sinunod sa UST.

Ang puwedeng gawin ng parokya ng Santissimo Rosario ay magsagawa ng kumpisalang bayan sa mga miyembro ng Aegis Juris. Bagaman hindi puwedeng ihayag sa publiko ang lihim ng kumpisal, madinig man lang ito ni Jesus, ang Banal na Awa. Sinabi ni Jesus kay Santa Faustina na nalulungkot siya kapag di nangungumpisal ang mga kaluluwa.

Inutusan ni Jesus si Santa Fustina na sabihin sa mga kaluluwa na huwag matakot na lumapit sa Kanya (Talaarawan 1396). Pagkatapos ng kumpisal ay komunyon sa Misa. Nasasaktan si Jesus kapag di nangongomunyon ang mga kaluluwa. Naghihintay Siya sa mga kasapi ng Aegis Juris (Talaarawan 1447).

Ang ganitong uri ng pagpatay ay ihinto na. Sa mga kaso ng hazing-murder, isa lang ang nagtagumpay: ang hinawakan ni Judge Adoracion Angeles, ng Caloocan RTC. Hindi frat woman si AGA. Para sa kanya, ang pagpatay ay murder, tulad ng kaso ng reckless imprudence resulting in homicide na hinusgahan niyang murder at nakulong sa Munti ang driver ng bus.

Ayaw ng ilang pulis-Davao na lipat-duty sa Caloocan, lalo na sa Bagong Silang. Baka mas lalong dumami ang mamatay o mahawa sila ng Calocohan. Di lahat ng pulis ay masama. Di rin lahat ng pulis ay mabuti. Ang unang kahinaan ng pulis-Davao (na lalaki) ay babae.

Ang media na di bumabanat kay Mayor Oca Malapitan (Corona impeacher) ay nakabase sa Caloocan. Malambot si Oca sa bugok na mga pulis. O kundi’y sadyang pinabayaan na niya ang mga pulis dahil hindi niya binibigyan ng bagong sasakyan ang mga ito. Sa North Caloocan, luma at karag-karag ang mga mobil. Ang bago lang ay ang pinturang “caloOCAn.”

PANALANGIN: Sa kapangyarihan ng Ama at sa ngalan ni Jesus, igapos nina San Miguel Arkanghel, San Gabriel at San Raphael ang demonyo at tuluyan nang durugin ng Birhen Maria Immakulada. Prayer Against Every Evil, Catholic Handbook of Deliverance Prayers, Fr. Jocis Syquia.

MULA sa bayan (0916-5401958): Dapat martial law na para hulihin ang magugulo sa Senado. Hulihin din si Aquino dahil sa SAF 44. Barangay 26, Ormoc City …7609

Hindi lang naman pulis ang kawatan, pati striker nila. Sa checkpoint ng pulis, kasama ang striker. Kapag kinumpiska ang motor, ang striker ang nagmamaneho ng motor. May motor na siya. Area C, Camarin, Caloocan …5422

Read more...