Dear Liza,
Natutuwa ako at una kong nasilayan ang dyaryo ng Bandera. Ako ay isang seaman na pumapalaot sa bansang Canada, UK, at iba pa. Natunghayan ko ang iyong kolum at ako ay biglang nagkainteres sa mga tanong at sagot na aking nabasa dahil may mga katanungan din ako na nais kong ma-bigyan ng sagot.
Ito ay ang tungkol sa Employees Compensation Commission (ECC). Nagugulumihanan ako kung ang isang katulad kong mandaragat ay sakop pa rin ng ECC. Naghuhulog din naman ako ng aking SSS. Anu-ano ang benepisyo sa ECC? Paano (wag naman) kung me mangyari sa aming mga seaman?
May matatanggap din ba kami sa ECC? Ano ang dapat naming gawin? Sana ay matugunan ang aking mga katanungan.
Nagpapasalamat,
Roland
Dear Roland,
Mabuti naman at interesado kang malaman ang Employees’ Compensation Program (ECP).
Gusto namin ipaalam sa iyo at sa mga kasamahan mong mandaragat na sila ay sakop ng ECP. Ang nagbabayad ng iyong EC or State Insurance Fund (SIF) contribution ay ang iyong ahensiya sa Pilipinas.
Lahat ng manggagawa ng pamahalaan na rehistrado sa GSIS ay sakop sa ilalim ng ECP, kabilang ang mga miyembro ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, mga kapulisan, mya kawani ng BJMP, at mga nahalal na pinuno na tumatanggap ng regular na sweldo ay sakop ng ECP.
Ang lahat ng mga manggagawa sa pribadong sector na nakarehistro sa Social Security System maliban sa self-employed o voluntary members ay sakop din ng ECP.
Pag ang manggagawa ay nagkasakit o naaksidente ng dahil sa trabaho may mga benepisyo at serbisyo silang matatanggap sa ilalim ng Employees’ Compensation Program.
Sana ay nabigyang namin ng kasagutan ang iyong mga katanungan.
Sa mga iba pang impormasyon tungkol sa ECP, pwede mong bisitahin ang aming website sa ecc.gov.ph o tumawag sa 899-42-51 o 52 local 227 or 228.
Cecil Estorque Maulion
Chief-Information and Public Assistance Division
Employees’ Compensation Commission
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya. Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!