Kim Domingo kay Marian: Very sweet siya at laging nakangiti!

 

KIM DOMINGO AT MARIAN RIVERA

Na-starstruck at nailang si Kim Domingo nang una silang magkita ni Marian Rivera. Sa photoshoot ng bagong fantasy action serye ng GMA na Super Ma’am sila first nag-meet.

Ayon kay Kim, hindi raw niya alam kung ano ang ikikilos niya nang makaharap nang personal ang Primetime Queen dahil idol na idol nga niya ito. Pero ipinaramdam sa kanya ni Marian na pantay-pantay lang sila sa set at lahat sila ay mahalaga sa kanilang soap.

“Kasi ano, e, very sweet kasi siya, mahilig siyang mangyakap talaga kaya nagiging kumportable ako sa kanya. Yun ang maganda sa kanya, very sweet siya at laging nakangiti,” sabi ni Kim.

Read more...