Maldita at simanguterang singer-actress maraming proyekto kahit walang talent

TAKANG-TAKA ang mga katrabaho ng isang singer-actress kung bakit kailangan niyang sumimangot sa halos lahat ng oras. Bibihira kasing nakikita ang female personality na nakangiti.

Ayon sa mga miron ay nakikipagkumpetisyon ang singer-actress na ito sa isang young actress na tunog-mayaman ang pangalan, tulad nito ay simangutera rin ang singer-actress, parang lagi siyang nakakaamoy ng kung anong masangsang.

Sa network na pinagtatrabahuhan niya ay iniiwasan siya ng mga utility, supladita raw kasi ang singer-actress, para siyang nanunukat ng pagkatao kung makatingin.

Kuwento-opinyon ng aming source, “Ano pa ba naman ang gusto niyang mangyari, e, kahit hindi naman siya kagandahan, marami siyang projects sa network na pinagtatrabahuhan niya ngayon? May napatunayan na ba siya?

“Wala pa naman siyang napu-prove, nu’ng minsan ngang maglakas-loob siyang mag-concert sa isang napakalaking venue, e, ipinamigay lang naman ang mga tickets sa show niya, kaya nagkaroon ng tao!
“Kundi ‘yun ginawa ng production, e, kakantahan niya ang sangkatutak na upuan sa venue, walang bumili ng tickets ng concert niya, flopey ‘yun!

“Pero kung makaporma siya, e, para bang napuno niya ang super-laking concert venue! Kahit sa pelikula, wala pa rin siyang maipagmamalaki, wala pa siyang kumitang movie!

“Ano pa, ano pa ang gusto niya at ganyan siya kamaldita? Hindi pa ba sapat ang mga biyayang tinatanggap niya, samantalang hindi naman extra special ang talent niya?

“Bakit pasima-simangot pa siya? Hindi pa ba siya natutuwa na kahit wala naman siyang masyadong talent, e, marami siyang projects sa home studio niya?” naiinis na kuda ng aming imporamnte.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Ching Bautista Silverio at Jon, napakadaling hulaan kung sino ang simanguterang singer-actress na ito, tunog-lalaki ang name niya! As in!

Read more...