BF ang Christmas Wish sa Pasko

Sulat mula kay Pam ng Anao, Cabagan, Isabela
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na November 7, birthday ko na po at 25 na ang edad ko. Ang problema ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend. May mga nanliligaw naman sa akin ang kaso hindi ko sila gusto. Wish ko na ligawan ako ng lalaking crush ko na isinilang noong July 2, 1990 at wish ko din na sana siya na ang maging first and last na maging boyfriend ko. At sana bago sumapit ang pasko magka-boyfriend na ako para maging masaya naman ang pasko ko. Tuwing pasko na lang boring ang life ko kasi yong mga kaibigan ko may ka-date at iyong iba may kasamang mag-celebrate ng Christmas BF nila, pero ako ilang Christmas na laging zero ang love life ko. Matutupad kaya ang wish ko na magka-boyfriend na sa paskong ito?
Umaasa,
Pam ng Isabela
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sino ang magiging first boyfriend mo, may tama ka, maaari ngang siya na ang maging last boyfriend mo hanggang sa tuluyan mapangasawa.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Nine of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking kayumanggi ang kulay ng balat ang magiging boyfriend mo. Ibig sabihin kung ang lalaking crush mo ay may kayumangging kulay ng balat, tiyak ang magaganap, sa paskong darating matutupad ang wish mo – magiging boyfriend mo siya hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Itutuloy…

Read more...