Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ng P16 milyon ay tumaya sa Sta. Rosa.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 21-39-04-10-31-11. Mayroon siyang isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang walong mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P600 naman ang 821 mananaya na nakaapat na numero.
Balik ang P20 taya ng 14,676 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
MOST READ
LATEST STORIES