Jackpot sa Grand Lotto 6/55 papalo sa P100 milyon

TINATAYANG aabot sa P100 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito sa Sabado.
Ito ay matapos na hindi tamaan ang P93.5 milyong jackpot prize ng Grand Lotto sa bola noong Miyerkules kung saan lumabas ang mga numerong 47-34-31-05-24-20.
Umabot sa P32.5 milyon ang halaga ng naitaya sa naturang bola.
Labingdalawa naman ang nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas na nagkakahalaga ng P135,550.
Tig-P1,740 naman ang napanalunan ng 746 mananaya na naka-apat na numero. Ang 18,975 mananaya na naka-tatlong numero ay tig-P20.
Samantala, hindi rin nakuha ang P14.1 milyong jackpot prize ng Megalotto 6/45 kung saan lumabas ang mga numerong 23-37-26-25-20-40.
Tig-P50,000 naman ang 11 mananaya na nakalimang numero, tig-P1,050 naman ang 726 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 ang 17,317 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...