Pinoy worker sa UAE binalaan sa pakikipag sex

UPANG maiwasan na mapatawan ng parusang kulong at deportasyon , pinag-iingat ang mga Pinoy workers sa pakikipagrelasyon at pakikipagtalik.

Maituturing na krimen sa United Arab Emirates (UAE) ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal.

Sa abisong inilabas ng POEA, ang mga babae at lalaki na magkarelasyon at nagpaplanong manirahan nang magkasama o magka-live-in ay dapat na magpakasal muna bago sila maaaring tumira sa nasabing bansa bilang mag-asawa.

Bilang isang bansang Muslim na sakop ng Sharia Law, itinatakda ng UAE na ang pagsasama ng magkasintahang hindi pa kasal ay iligal at pinapatawan ng parusang tatlo hanggang anim na buwang pagkakakulong at posibilidad ng deportasyon.

Iniulat ng Philippine Consulate sa Dubai na mayroong ilang mga dayuhang magkasintahan, kabilang ang mga Pilipino, ang nakakulong ngayon dahil sa paglabag sa nasabing batas.

Inabisuhan din sila para sa repatriation ng mga Pilipino sa Dubai at Hilagang Emirates na may mga anak ngunit hindi kasal.

Naniniwala sila na maaaring mai-endorso ng konsulado ang kanilang kaso sa Dubai Immigration nang hindi sila nakukulong, subalit hindi naidadaan sa negosasyon ang isyu ng imoralidad sa ilalim ng UAE penal system.

Mahigpit na ipinagbabawal sa nasabing bansa ang pagbubuntis at panganganak nang hindi kasal kung saan may kaakibat itong parusa ng hanggang anim na buwang pagkakakulong, deportasyon, at panghabangbuhay na ban.

Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
Media Communications Office

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...