Sikat na female star wasak ang ilusyon na magkakabalikan pa sila ng sikat na aktor


HANGGANG ngayon ay mahal pa rin ng isang kilala at magandang female personality ang kanyang ex.

Kung siya ang tatanungin ay selyado pa rin ang kanyang puso para sa pamosong aktor na matagal din niyang nakarelasyon.

Maraming nagpaparamdam sa aktres, pero wala siyang panahon, pakikipagkaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa mga nakikipaglapit sa kanya dahil ang isinisigaw pa rin ng kanyang puso ay ang nakahiwalay niyang aktor.

Pero mukhang naunsiyami ang kagustuhan niyang magkabalikan sila ng kilalang aktor dahil sa pag-eksena ng isang babaeng handang ibigay ang lahat-lahat para sa kanyang ex.

Kuwento ng aming source, “Kung si ____ (pangalan ng aktres) ang tatanungin mo, e, wala siyang kagatul-gatol na sasagot na ang ex pa rin niya ang tanging makapagpapasaya sa kanya.

“Promise, ayaw niyang makipag-commit kahit kanino. Sa ganda niyang ‘yun, e, alangan namang walang nagkaka-interest sa kanya, di ba? Marami!

“Pero hanggang friendship lang ang kaya niyang ibigay, walang iba, dahil hanggang ngayon, e, naghihintay pa rin siya sa chance na magkabalikan sila ni ____ (pangalan ng pamosong aktor).

“Ginawa niya ang lahat para magkaroon ng second chance ang relasyon nila, pero mukhang waley pa rin,” napapailing na lang sa panghihinayang na kuwento ng aming source.

Mukhang lumayo pa ang tsansang magkabalikan sila dahil sa pagpasok sa buhay ng aktor ng isang kontrobersiyal na babaeng kayang baligtarin ang mundo para sa male personality.

Balik-kuwento ng aming impormante, “They have so many things in common. Mukhang mas enjoy ang guy sa babae dahil marami silang pinagkakasunduan. Happy sila sa isa’t isa, sa totoo lang.

“Nakakaawa naman ang girl na napakatagal nang naghihintay sa pagbabalikan nila ng guy. Naudlot na naman ‘yun. Gumaganda na sana ang usapan nila, pero bigla namang dumating ang babaeng kinababaliwan ngayon ng ex niya, sayang na pagbabalikan,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang kailangang clue, bigay na bigay na, tanungin n’yo man sina Jon at Ching Bautista Silverio.

Read more...