Green Archers sasalo sa liderato

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. NU vs UST
4 p.m. Adamson vs  La Salle
Standings: Ateneo (3-0); La Salle (2-0); UP (2-1); NU (1-1); Adamson (1-1); FEU (1-2); UE (0-3); UST (0-2)

MAGBABALIK para sa nagtatanggol na kampeong De La Salle University ang 2016 Most Valuable Player na si Ben Mbala sa pagsagupa nito ngayon sa Adamson University sa tampok na laro ng UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.
Una munang magsasagupa ang National University at ang wala pang panalong University of Santo Tomas ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng salpukan ng Green Archers at Soaring Falcons dakong alas-4 ng hapon.
Dalawang laro na hindi nakasama ng Green Archers si Mbala na naglaro para sa bansang Cameroon sa FIBA Afrobasket 2017 Championship.
Gayunman, nagwagi pa rin ang La Salle sa unang dalawang laro kontra Far Eastern University, 95-90, at National University, 115-109.
Ang Adamson ay galing sa 88-81 pagwawagi laban sa UST Growling Tigers at may 1-1 baraha.Angelito Oredo

Read more...