NAKAKA-EXCITE at nakakatuwang panoorin ang tapatan nina Venus (Andrea Torres) at Iris (Solenn Heussaff) sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood after Super Ma’am.
Simula pa lang kasi, masyado na nilang ginalingan, lalo ang kanilang sexy showdown. Iba kasi ang dating ng confrontation scene nila sa comfort room kasama ang kani-kanilang personal assistants na sina Frida (Antonette Garcia) at Yaya (Geleen Eugenio) dahil may class pa rin ito kahit na may angas.
Pero ang request ng mga netizens, lalo na ng mga kalalakihan at tibo, sana raw ay mas maraming gawing eksena sina Solenn at Andrea kung saan pwede silang magpatalbugan sa hubaran at paseksihan. Grabe raw kasi ang epekto ng dalawang Kapuso actress sa male viewers na laging nakatutok sa ARH2.
Inaabangan din ng mga manonood kung magkakaroon din sila ng maiinit na face-off at action scenes na hindi naman malayong mangyari dahil masyado silang protective sa kanilang mga alaga, di ba?
Yan ang dapat abangan ng mga Kapuso viewers aside sa painit pa nang papainit na panggugulo ng mga nakakabuwisit ng kontrabidang sina Pablo (Jay Manalo) at Rigor (KC Montero).
Samantala, ang astig din ng bagong look ni Pepe (Dingdong Dantes) ngayon kaya naman mukhang ready na si Alyas Robin Hood na muling magpakita para ipagtanggol ang naaapi at tumulong sa nangangailangan. Totoo nga ang sabi ng GMA na all-in ang entertainment na hatid ng action-fantasy primetime series.
Sabi nga ni Dingdong at ng direktor nilang si Dominic Zapata, kumpletos rekados ang programa dahil bukod sa matitinding action scenes, panalo rin ang comedy at kilig scenes ng serye.