NAGHAIN ng ethics complaint si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon laban kay Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng mga paratang ng senador sa kanya.
Pinayagang makalabas ng kanyang kwarto sa Senado si Faeldon upang makapagsampa ng reklamo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Senado si Faeldon matapos ipaaresto dahil sa pagtangging dumalo sa pagdinig sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China.
Sa privilege speech ni Lacson noong Agosto, idinetalye nito ang “tara” system sa BOC, at sinabing may kinalaman dito ang dating opisyal.
Hindi naman nagpatinag si Lacson sa isinampa ni Faeldon.
MOST READ
LATEST STORIES