Palasyo tikom ang bibig sa mga kaganapan sa Marawi

TUMANGGING magkomento ang Palasyo sa pinakahuling kaganapan sa patuloy na operasyon ng tropa ng gobyerno laban sa teroristang grupong Maute sa Marawi City matapos ang ulat na na-rescue ang bihag na pari kagabi.

“As per guidance from the Armed Forces of the Philippines (AFP), we refrain from making comments on the latest developments in the main battle area of Marawi at this time; as ongoing operations may be jeopardized, as well as the lives of the remaining hostages, or soldiers in the frontlines,” sabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Ito’y matapos ang ulat na na-rescue ng mga militar ang bihag na pari na si Father Teresito “Chito” Soganub.

“We will provide information and other pertinent details as soon as conditions on the ground allow us. Thank you for your understanding. We covet your unceasing intercession for the safety of all, and lasting peace in Marawi,” dagdag ni Abella.

Kinumpirma ni Rear Admiral Rene Medina, commander ng Naval Forces Western Mindanao (Navforwem) na nailigtas si Soganub at iba pang mga bihag mula sa Maute kamakalawa ng gabi.

Read more...