NGAYONG gabi ang special screening ng bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment na The Good Son kung saan bibida sina Jerome Ponce, Nash Aguas, Mccoy de Leon at Joshua Garcia mula sa direksyon nina Andoy Ranay at Manny Palo.
Sa ginanap na blogcon ng The Good Son ay isa-isang tinanong ang apat na batang aktor kung “good son” ba sila gamit ang 1-10 rating.
“Siguro po, I give myself eight points po. Kasi ‘yung two points is room for improvement. Hindi naman tayo perfect,” saad ni Nash.
Ayon naman kay Mccoy, “Ako po 9.5%. Tinata-try ko ‘yung best ko bilang isang anak lahat kasi ng ginagawa ko po ngayon, para sa kanila (pamilya). Ako po ang breadwinner sa pamilya.”
“As a good son, honestly 6%. Kasi hindi ko ganu’n ka-close ‘yung family ko kasi mas pinili ko agad ang sarili ko, enjoy ko lang computers. Sabi nga ng mga mas matanda ang huling bagsak mo ay pamilya mo. As of now 6% palang kasi natututo na ako at soon (tataas din ang rating),” ani Jerome.
Sabi naman ni Joshua, “Ire-rate ko po ang sarili ko 9%. Tulad ng sabi nila, walang perpektong anak kasi ako ‘yung nagpo-provide para sa pamilya ko. Pinapaaral ko ‘yung ate ko, feeling ko, dagdag points ‘yun para ma-ging good son ako bukod pa sa emotionally, ‘yung naipaparamdam ko sa kanila. Hindi po buo ang family ko, se-parated po ang papa at mama ko.”
Ano ang mga memories na hindi nila makakalimutan na kasama ang kanilang mga ama? Sagot ni Nash, “Kasi ‘yung dad ko po, nasa States, tapos separated po sila ni mommy, medyo matagal na kaya ang hirap sa akin i-share at ngayon ko lang sinabi ang totoo, ngayon po mas medyo madali na sa akin.
“Memories ko po kay dad, siguro ‘yung time na pumunta siya rito tapos nagkabati kami, this year lang. Malungkot na wala ang dad ko at the same time, thankful ako kasi nu’ng nawala siya, kinailangan kong mag-step up for my mom and younger sister.”
Para kay Mccoy, “Simple lang po sa amin kasi kapag may trabaho ako, si daddy nagda-drive sa akin, ‘yung mga simpleng ganu’n malaking bagay po sa akin kasi doon kami nagkakaroon ng kuwentuhan (bonding).”
“Fondest memories ko with my dad is during the time na wala akong alam sa buhay like negosyo, pagiging matalino, mga turo niya lahat. Everytime na binabalikan ko lahat iyon, tama lahat kasi lagi niya akong sinasabihan na masyadong matopak, huwag makipag-u-sap sa mga taong ganito o kaya huwag masyadong maging (abala) sa computer, isipin ko lagi na kapag aalis ako ng bahay, mag-iiwan ako, hindi magdadala,” pahayag ni Jerome.
“Lahat po meaningful sa akin lalo na sa mga pinagdaanan ko nu’ng hindi pa ako artista, ang hirap kasi lahat ng sablay namin, fondest memories pa rin ‘yun kasi do’n sa maling iyon, natuto kami, ‘yung mga hirap na pinagdaanan namin kasi lumaki ako na nasa papa lang ako siya ‘yung tumayong nanay ko,” tila iiyak na sabi ni Joshua.
At dahil kasama rin ang kani-kanilang leading ladies sa blogcon ng TGS na sina Alexa Ilacad, Elisse Joson at Loisa Andalio ay natanong din sila kung good daughters din ba sila.
“Siguro po I give myself an eight, “say ni Alexa. “Because like any other person or daughter ang dami ko ring imperfections, ang dami ko ring kasalanan sa parents ko minsan makulit at matigas ulo ko, but I think it’s a normal thing as part of growing up but I make it up in other ways,” natatawang sabi ng dalaga.
Kuwento naman ni Elisse bilang nag-iisang anak, “Ako siguro po seven kasi kumpara po sa sacrifices ng mom ko sa akin, hindi ko pa rin iyon masusuklian. Marami pa rin po akong pagkukulang but I try my best to give back.”
“Sa akin seven din kasi sabi nga nila walang perpektong anak. Sa ngayon seven, pero habang tumatagal, mapupunuan ko rin iyon hanggang 10,” nakangiting sabi ni Loisa.
Bawa’t isa sa mga artistang nabanggit ay may kaniya-kaniya galing sa pag-arte, sabi nga ng taga-production ang galing nilang lahat at nabigyan nila ng magandang atake ang mga karakter nila.
Malalaman ng lahat sa advance screening ngayon kung sino kina Nash, Mccoy, Jerome at Josh ang aangat bilang good son at good daughter naman kina Elisse, Alexa at Loisa.
Mapapanood na ang The Good Son sa Set. 25 kapalit ng A Love To Last.