Sinabi ni Atienza na dapat ding kunin ng DSWD ang minor de edad na siya umanong kumuha ng mga nawawalang gamit sa bahay ng pumasok ang mga pulis.
“We cannot have our very own officers of the law exploiting children, just like Akyat Bahay gangs using kids to break into homes, or drug pushers taking advantage of minors as movers,” ani Atienza. “The DSWD and the DOJ are the lead agencies tasked to enforce the 1992 law protecting children. They should be the ones to file the criminal
charges against the officers involved.”
Sa ilalim ng child abuse law pinarurusahan ang paggamit ng mga minor de edad sa iligal na gawain.
“What the officers did in this case constitutes gross inexcusable ignorance of the law and barefaced negligence,” dagdag pa ni Atienza.
Ayon sa ulat pinasok ng mga pulis ang bahay ng 51-anyos na babae sa Sta. Rita, Brgy. Tala noong Setyembre 7 ng walang dalang search warrant.
Nawala umano sa bahay ang pera at mga relo na nagkakahalaga ng P30,000. Wala ring ginawang spot report ang mga pulis ng wala silang nahanap na ipinagbabawal na gamot sa bahay.
Mayroon din umanong paglabag ang mga pulis ng hayaan nila na may dalang baril ang isang civilian informer.
MOST READ
LATEST STORIES