DA who ang isang mataas na halal na opisyal ng pamahalaan ang siyang inaalok para pumalit bilang bagong Kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) kapalit ng hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) na si dating secretary Rafael Mariano?
Usap-usapan ngayon sa loob at labas ng DAR at maging sa mga umpukan ng mga grupo ng mga magsasaka na si Mr. Politician ang susunod na itatalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong DAR Secretary.
Matatandaang bumisita kamakailan sa MalacaƱang ang grupo ni Mr. Politician para mag-courtesy call sa pangulo.
Ginawa ang courtesy call ni Mr. Politician bago pa man tuluyang mabasura ang appointment ni Mariano sa CA.
Kilalang may grupo pa rin na kinabibilangan ang nasabing opisyal sa kabila na matagal na itong nag-iba na ng linya, bilang politiko.
Hindi malayo na inaalok nga at posibleng tanggapin ng politiko ang pagiging DAR Secretary dahil magtatapos ang kanyang termino sa 2019.
Gusto nyo ba ng clue?
Maimpluwensiya ang grupo ni Mr. Politician kayat walang choice ang administrasyon na kunin din siya at kanyang grupo bilang kaalyado.
Sa kasalukuyan kasi, ingat na ingat ang administrasyon na makabangga ang grupo ni Mr. Politician dahil nga sa organisasyon na kanyang kinabibilangan kung saan mahalaga sa kanila ang camaraderie.
Heto pa ang clue, bagamat may kontrobersiyang kinakaharap si Mr. Politician kaugnay ng maling paggamit ng kanyang pondo, tila hindi naman ito makakaapekto sa kanyang nakatakdang pag-upo.
Tumakbo ang politikong ito sa ilalim ng isang talunang kandidato.
Kabaro ang opisyal ng numero unong kritiko ni Pangulong Duterte, bagamat nasa mayorya ngayon si Mr. Politician.
Katanggap-tanggap naman si Mr. Politician sa DAR sakaling tanggapin niya ang puwesto dahil isa ang isyu ng sakahan sa mga nahawakan na niyang komite.
Sakaling tanggapin ni Mr. Politician ang posisyon, tiyak na hindi siya mahihirapang lumusot sa CA kagaya ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.
Tiyak kong may ideya na kayo sa tinutukoy ko.