Sigaw ng bashers: ‘Goodluck message’ ni Angel kay Marian kaplastikan lang

ISANG “Good luck Yan” ang naging message ni Angel Locsin kay Marian Something.

This was in connection sa bagong teleserye ni Marianita sa Siyete. Marami ang nag-react sa Instagram comment na ‘yon ni Angel. For some, it was reeking of kaplastikan.

“Kelangan ni Angel ikabit name niya kung ano ang ganap para may ingay. She knows na nababawasan na ang kanyang ningning. Para paraan lang yan. Pasimple pa siya,” said one idiot basher.

“Hahaha! Si Angel pa talaga? Nakakahiya naman sa mga nagrate niyang show at kumitang movie versus sa sinasabi mong kinakabitan niya. LOLS!” sagot ng fan ni Angel.

“Ui tama nayan. Pagtanggol ko lang si Angel ng slight. Wala po siyang flop at unting bagay pinag uusapan na siya. Friends sila oh. Love love love lang! Tama na ang nega!” say ng isa pang faney ni Angel.

Oo nga naman. Hindi naman tamang isipin na ginagamit ni Angel ang dyowa ni Dingdong Dantes. For one, mukhang magkakatapat pa ang show nila. Balitang-balita na posibleng makatapat ng show ni Marianita ang La Luna Sangre ni Angel.

Isa pa, hindi naman kailangang gamitin ni Angel si Marian because clearly, between them ay bigger star naman si Angel. Walang flop na movie at higit sa lahat ay walang flop na teleserye si Angel.

Si Marian, her three consecutive TV projects were non-ratings, ‘no!

q q q
There’s a new kid in the showbiz block – Brian Gazmen, 17, grade 12 student from Ateneo de Manila.

Singing since he was a kid and counts Michael Jackson and Usher as his idol, umapir na si Brian sa La Luna Sangre bilang anak ni Sen. Mallari played by Joey Marquez.

“Since grade school I was already in theatre, sa Ateneo, sa Trumphets,” he told us, appearing in “Les Miserable” and “Hair Spray.” He has also appeared in Ipaglaban Mo and was once part of Goin’ Bulilit. Nag-voice lessons si Brain kay Annie Quintos of The Company.

May showbiz lineage pala si Brian, Ronnie Ricketts being his tito from mother side. Is this why he got into showbiz?

“Parang na-discover ko lang sa sarili ko kasi talagang sobrang hilig ko ang umarte,” say ng binata na mina-manage ni Dudu Unay.

Mayor ng Iriga ang madir ni Brian, si Madel Alfelor-Gazmen, “Hindi naman po niya (mom) ako ini-encourage kundi sinusuportahan niya ako. Kung ano po ang ikinasisiya ko sinusuportahan niya ako. Sobrang saya niya kapag nagkakaroon ako ng taping.”

For now, isinisingit ni Brian ang kanyang studies as, “Kapag may taping ako ay tinatanong ko ang mga kaklase ako kung ano ang name-miss ko. Sa tent, kapag may break kami ay nag-aaral ako.”

Ang ardent wish ni Brian ay makapasok sa PBB, “Siyempre, ‘pag laki sa nanay ay laging spoiled. Sa school ay binu-bully po ako kasi nag-aartista po ako. Sabi nila wala kang mararating. Nasasaktan po ako pero gusto po ipakita sa kanila na may mararating po ako,” he added.

Read more...