KUNG si Kim Domingo lang ang masusunod, mas gusto na niyang magbabu sa todo-todong pagpapaseksi sa TV. Nais daw niyang ibandera sa buong universe na isa rin siyang aktres.
Kaya nga abot-langit ang pasasalamat niya sa GMA at kay Marian Rivera dahil ang Kapuso Primetime Queen ang mismong pumili sa kanya para maging kapatid niya sa bagong comedy-fantasy primetime series na Super Ma’am. “Iba ’to sa mga nagawa ko before. Before, ang focus kasi madalas ay yung pa-sexy side ko.
“Ito, ‘yung character ko mismo, ang pagiging palaban. Pati costume ko, hindi na rin ganu’n ka-sexy, kasi nga, siyempre pambata. Natutuwa rin ako kasi parang mas maa-appreciate na ako ng mga tao.
“Pambata na kasi, before, talagang may mga nagrereklamo, marami akong nababasa. ’Ay, hindi ka magandang ehemplo sa kabataan, kasi ito palagi ang role mo,’” ang pahayag ni Kim sa nakaraang presscon ng Super Ma’am na magsisimula na ngayong Lunes sa GMA Telebabad kapalit ng Mulawin vs Ravena.
Dagdag pa ng tinaguriang Asia’s Fantasy, “Gusto ko nang makatawid, e, ang dami ko na rin naman pong naipakita. Parang para po sa akin, tama na po iyon, hanggang dun na lang siguro. Gusto ko nang makatawid sa pagiging aktres, kasi yun ang goal ko. Maging aktres ako at tumagal pa ako sa industriya.”
Wala naman daw problema si Kim sa pagbibilad ng hubad niyang katawan, pero feeling niya, mas magiging pangmatagalan ang career niya kung mapapansin din ng manonood ang kanyang akting, “Actually, pagdating naman sa trabaho, wala akong reklamo. Kasi ‘yung GMA, nag-usap na rin kami. Okay, ito na yung bawas-bawasan na yung dati, kahit sa mga sinusuot kong damit. Kasi ‘yun ang gusto ko talaga, magdrama, umarte.”
Okay, ito na yung bawas-bawasan na yung dati, kahit sa mga sinusuot kong damit. Kasi ‘yun ang gusto ko talaga, magdrama, umarte.”
Pero huwag daw malungkot ang mga lalaki at tibo na nagpapantasya sa kanya dahil tuloy pa rin ang pagpapa-sexy niya sa gag show na Bubble Gang, “May segment ako du’n na ’Patikim ni Kim.’ Pero yun nga, yung mga damit na sinusuot ko, medyo hindi na tulad ng dati, na parang naka-bra na lang ako.”