NGAYONG Linggo, inihahandog ng GMA Public Affairs ang Alaala: A Martial Law Special, kung saan gagampanan ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang buhay ng Martial Law activist at award-winning screenwriter na si Bonifacio “Boni” Ilagan.
Makaraan ang 45 taon matapos ideklara ang Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang mga biktima ng human rights abuses ay patuloy pa ring humihingi ng hustisya. At ang ilang taon sa ilalim ng Batas Militar ay tila limot na.
Sa tantya ng mga organisasyong sumusulong ng human rights, sa ilalim ng Martial Law, 70,000 ang mga nakulong, 34,000 ang nakaranas ng torture, 3,240 ang mga pinatay, 884 ang pwersahang nawala kung saan hanggang ngayon, 612 ang hindi pa rin natatagpuan.
Ang Alaala: A Martial Law Special ay isang pelikula sa loob ng isang dokumentaryo. Susundan nito si Boni, na ipinangalan kay Andres Bonifacio. Isa siya sa mga aktibista noong Martial Law na kalauna’y dinakip at tinortyur sa kamay ng Philippine Constabulary. Ang kaniyang mga alaala noong panahong iyon ay isasa-pelikula at gagampanan ni Alden.
Challenging para kay Alden ang pagganap niya bilang nakababatang si Boni. “Physically, psychologically, emotionally, mentally, mahirap ‘yung role. I’ve never been tortured in any of my roles when I was doing projects with soaps and movies,” ayon sa binata.
Makakasama niya rito sina Gina Alajar, Bianca Umali at Rocco Nacino. Sa kanyang paghahanda para sa role, nadiskubre ni Rocco na kamag-anak niya pala ang award-winning writer. “(Sir Pete) came to me, saying, ‘Hey you know what I’m your mom’s second cousin.’ So that night halos hindi ako makatulog.
“Nag-research ako, I called up my mom and then na-confirm na kamag-anak ko pala si Sir Pete. It makes everything more meaningful at mas malalim para sa akin,” ani Rocco.
Mapapanood ang Alaala: A Martial Law Special ngayong Linggo ng gabi sa SNBO sa GMA 7.
Samantala, natutuwa ang mga fans ni Alden dahil muli nilang mapapanood ang Pambansang Bae sa isang makabuluhang programa kung saan muling maipapakita ng binata ang kanyang galing sa pag-arte. Pero siyempre, umaasa pa rin ang AlDub Nation na may follow-up serye pa rin sina Alden at Maine at matuloy na rin ang kanilang second movie.
q q q
Inaabangan na tuwing Sunday night ang all-original musical game show ng GMA na All-Star Videoke.
Bukod kasi sa bagong tandem nina Solenn Heussaff at Betong Sumaya bilang bagong hosts nito, kaabang-abang din sa viewers ang mas pinalaki at mas pinasayang weekly episodes nito.
Sa katunayan, excited na nga ang mga Kapuso na masaksihan kung madedepensahan ba ni Boobay ang pagiging Videoke Champ ngayong makakalaban niya ang anim na Kapuso stars na adik din sa kantahan at videoke.
Kabilang na riyan sina Mark Herras, Sef Cadayona, Sanya Lopez, Valeen Montenegro, Lovely Abella at Derrick Monasterio. Sino kaya sa kanila ang makapagpa-impress sa All-Star Laglagers this week na sina Julie Anne San Jose at Philip Lazaro? Sino kaya ang makakarating sa final round para sa cash na laman ng Bangko-oke at may chance na manalo ng Super Oke Grand Prize?
Abangan lahat ‘yan sa All-Star Videoke after 24 Oras Weekend sa GMA.