Book signing ni James Reid sa MIBF hindi natuloy; fans nagkagulo

HINDI natuloy ang book signing ni James Reid sa 38th Manila International Book Fair nito lang dahil sa pagkakagulo ng fans.

Sa dami kasi ng tao ay nagkaroon ng commotion at tulukan.

One video from Twitter showed kung paano pilit na idinadaan si James pero halos hindi na mapigilan ng mga guwardya ang dagsa ng tao at napahinto pa sila saglit.

Because of this, mukhang pinull-out si James before the book signing could continue.

As seen sa video although medyo magulo na ang sitwasyon, James seem to have kept his cool, offering waves and smiles sa mga nagsisigawang fans.

Nag-tweet siya later ng kanyang apology dahil sa hindi natuloy na event and expressed concern naman sa mga pumunta.

Sa thread ng tweet wala namang galit at nag-offer din ng apology ang ilang fans at sana daw ay ok lang si James.

Natuwa naman ang ilang fans na kahit si James na ang dinumug ay ang mga JaDine fans pa din ang inisip nya.

Nag offer din ang National Bookstore, ang sponsor ng event, ng sorry dahil sa hindi pagkakatuloy ng book signing dahil sa security lapses.

 

Read more...