ENCHONG ayaw nang ligawan si JULIA


WALA nang balak si Enchong Dee na ligawan uli si Julia Montes. Tanggap na raw niya na hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon ng isang seryosong relasyon.

Kung matatandaan, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa nang dahil kay Coco Martin. Balitang-balita noon ang seryosong panliligaw ni Enchong kay Julia, pero natigil nga ito nang bumandera ang isyung nagkakamabutihan na sina Julia at Coco.

Ngayong magsasama muli ang dalawa sa seryeng Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN, inamin ng aktor na nagkailangan sila ni Julia nang magsimula na ang kanilang taping. Pero pagkatapos  ng kanilang workshop at ilang bonding moments, maayos na uli ang kanilang friendship.

“Hindi ko na inilalagay sa utak ko ang ligaw-ligaw. I think we’re better off as friends now. Pinangako rin naman namin na after the bonding, okay na, tapos na. Start anew.

“Kasi kahit kanino, ayaw kong magkaroon ng bad relationship to anyone. Pero kung i-o-open ko pa rin sa idea na ganoon, baka masira lang ngayon na nasimulan na naming ulit yung pagkakaibigan namin. Ayaw ko nang pabayaan,” paliwanag ni Enchong.

Read more...