Luis ‘my wife’ ang tawag kay Jessy

By Julie Bonifacio September 16,2017
share this

Luis ‘my wife’ ang tawag kay Jessy

By Julie Bonifacio September 16,2017
share this

LUIS MANZANO AT JESSY MENDIOLA

ISA-ISANG sinagot ni Luis Manzano sa Tonight With Boy Abunda ang iba’t ibang isyu sa kanya. Una na ang tungkol kay Alex Gonzaga na kasama niya sa bagong show ng ABS-CBN, ang I Can See Your Voice.

Imbes na magalit kay Alex, ipinagtanggol pa ni Luis ang kanyang kaibigan at kasama sa show, “Hindi,” bungad niya when Kuya Boy asked him sa ginawa ni Alex sa kanya sa 33rd Star Awards for Movies na nag-viral sa social media.

Pagkatapos kasing manalo ng award ni Luis bilang PMPC’s Darling of the Press at habang nakaupo sa front seat ng theater, naka-microphone na sinabihan ni Alex si Luis kung magkano niya nabili ang kanyang award.

Pagpapatuloy ni Luis, “Ganu’n talaga kami maglokohan and gets even worst. Nagkataon lang siguro. I completely understand the sentiments especially with the press and the people there na, it was a bit off. (But) don’t get me wrong, I’m justifying din naman.”

“Anyone who have seen me and Alex, me and Ate, I call her Ate, e, na kapag magkasama kami ang lokohan namin, grabe talaga.”
Dahil may pinag-aralan at maganda ang breeding ni Luis, siya pa mismo ang humingi ng apology sa publiko sa ginawa ni Alex, “On behalf of Alex, especially the members of the PMPC, I would like to apologize na rin sa kanila. It should not mean anything bad,” pahayag ni Luis.

Samantala, sinorpresa ni Luis ang nasa studio ng TWBA. Kasama niya kasing dumating ang girlfriend o fiancée na yata niyang si Jessy Mendiola. Kinilig pang lalo ang audience when Luis confronted the man in the mirror tungkol sa current state ng kanyang puso at isip.

After he mentioned love, parang kinuha niya sa backstage si Jessy at pinaharap din sa mirror at ipinakilala sa “the man on the mirror” ang babaeng makakasama niya for the rest of his life.

At kung hindi kami nagkakamali, tinawag pa ni Luis si Jessy ng “my wife.” Sa hallway palabas ng ABS-CBN ay malugod na pumayag si Luis na kunan namin siy with Jessy ng picture.

Say ni Luis sa amin, kami raw ang iilan sa pinakauna na nakunan sila ng picture na magkasama. Very rare yata na makita sila in public.

Naku, tiyak na maha-happy nang husto ang Momskie ni Luis na si Lipa Cong. Vilma Santos-Recto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending