NITONG nakaraang Martes ay muling huminto ang buhay sa Kalakhang Maynila dahil sa baha!
Opo, hindi ang bagyong si Maring na sumalanta sa bansa ang dahilan ng pag-freeze ng galaw sa Metro Manila kundi ang baha.
Dahil muling lumubog ang Kalakhang Maynila sa baha, huminto rin ang daloy ng trapik. Muli, standstill ang buhay sa Maynila.
Taon-taon ay ganyan ang eksena sa ating paligid. Pag bumagyo ay tataas ang tubig, aapaw at babaha.
Taon-taon, pare-parehong lugar din ang tinatamaan ng baha sa Metro Manila. Hindi ito nagbabago.
Ang hindi nangyayari ay matuto ang pamahalaan at ayusin ang mga lugar na ito upang mapigilan ang muling pagbaha.
Mano ba naman gumawa na sila ng engineering solution para mapigil na ang mga baha na ito.
Sangkatutak na best practices ang makikita sa buong mundo para aksiyonan ang problemang ito pero parang hindi ito natututunan ng mga opisyal natin. Lagi naman sila pumapasyal sa ibang bansa.
Sa New York, ang tinatawag nilang storm drains sa loob ng metropolis nila ay sinlaki ng one story building at kasya ang isang dump truck pumasok sa loob.
Sa Netherlands, may dike ang dagat para huwag pumasok ang tubig sa siyudad nila na araw-araw lumulubog.
Pero dito sa atin ang solusyon, tulad ng Makati, pag may bumabaha ay tatambakan. Pero walang storm drain kaya ‘yung tubig aapaw ulit.
Sana konting progressive action naman para hindi laging ganito taon-taon.
Auto Tip: Problema sa fuel consumption? Palitan ang air at fuel filters at magpa-oil change na rin.
Pag malakas pa roon ang konsumo sa gasolina o krudo, ipa-check ang injectors at fuel system o di kaya ay ipa-calibrate ang mga ito o maaaring kailangan na ng mga ito ng repair.
Para sa tanong o komento sumulat lang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.