Ex-governor ng C. Luzon asam-pwesto sa SBMA

PARANG miyembro ng Barangay Ginebra ang isang dating gobernador mula sa Central Luzon dahil sa kanyang never-say-die na peg.

Hanggang ngayon kasi ay umaasa si Gob na mailalagay siya bilang pinuno ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Kaya lang ay malabo sa ngayon na makuha niya ang inaambisyong pwesto dahil malakas din ang kapit sa pwesto ng kasalukuyang liderato ng naturang tanggapan.

Sinabi ng ating Cricket diyan sa Subic na ilang beses nang inilatag ni Gob ang kanyang programa sa isang top government official na malapit kay Pangulong Duterte.

Ito ay sa pag-aakalang makakarating sa pangulo ang kanyang panalangin na pamunuan at gawing bagong economic hub ang SBMA.

Ipinaliwanag ng ating Cricket na dati ay target ni Gob na masungkit ang posisyon bilang secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Pero natalo ang kanyang ikinampanyang presidential candidate noong halalan kaya lumipat siya ng pwesto sa nanalong pangulo.

Ang akala ni Gob ay super closed na siya sa mga bagong residente ng Malacanang pero ang totoo ay hindi pala.

Iyon daw ang dahilan kung bakit hindi maibigay sa kanya ang target na pwesto sa SBMA sa kabila ng magaganda niyang presentation sa isang powerful na cabinet secretary.

Ilang beses na rin daw na humingi ng audience sa Pangulo si Sir pero hindi pa rin siya kinakausap nito at hanggang “hi and hello” lang ang nagaganap sa tuwing sila ay naghaharap.

Bukod sa SBMA ay inambisyon rin ni Sir na bumalik sa pwesto bilang gobernador pero hindi na raw ito kaya ng kanyang naipon na pondo.

Ang dating gobernador ng isang lalawigan sa Central Luzon na gustong maging pinuno ng SBMA ay si Mr. R….as in Ronda.

Meron ka bang kwentong wacky na pwedeng i-leak sa Bandera? I-text na sa 09156414963 o mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com

Read more...