Kathryn pang-best actress ang akting sa La Luna Sangre

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

MAS nakaaangat ngayon sa mga loveteams ang KathNiel. Binigyan ng ABS-CBN ng proyekto sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mas magpapalutang pa sa galing nilang umarte.

Hindi puwedeng ibigay ang seryeng La Luna Sangre sa mga artistang walang paghahanda, nangangailangan ng focus ang serye, na naibibigay naman ng magka-loveteam.

‘Yung eksenang ipinakita si Kathryn na agaw-buhay na at duguan, gusto naming mag-isang pumalakpak sa pagtutok sa eksena, napakagaling niya bilang si Miyo.

Kung ang tagpong ‘yun ang ipanglalaban ng young actress sa mga nagbibigay ng parangal ay walang kaduda-dudang magwawagi siya. Napakagaling ng ipinakitang pag-arte ni Kathryn Bernardo.

Kuwento ni Ogie Narvaez Rodriguez na consultant ng KathNails at kaibigan ng pamilya ng dalaga, “Sa pagiging Miyo po niya sa La Luna Sangre, e, dusa na talaga ang pinagdadaanan niya. Imagine, itinitirintas nang pinung-pino ang mahaba niyang hair para hindi umumbok kapag nilalagyan na siya ng wig.

“Idinidikit sa kanya ‘yun, makating-makati, kaya talagang professional siya at mahal na mahal ni Kath ang work niya. Walang reklamong naririnig sa kanya, trabaho lang siya nang trabaho,” papuri ni Ogie sa dalagang aktres.
Panalo!

Read more...