THE tough side in Mr. M (Johnny Manahan) melts. Ganyan talaga pag “nasusunog” ang isang anak mo sa isang malaking pagsubok – kahit gaano ka pa katigas ay tiyak na lalambot ka. Ang unang iisipin mo ay kung paano mo maiaayos ang lahat para maibsan ang lungkot na dulot nito.
Nang pumutok ang isyu kay John Lloyd Cruz, here comes Mr. M, ang ama nila sa Star Magic, coming to his rescue. He said that John Lloyd must have learned his lesson and should be very careful the next time.
I agree. Hindi man pinasubalian ni Mr. M ang naganap na very uncomfortable issue on Lloydie pero bilang ama, he said his piece. I admired him for that. Honestly. Lumabas ang pagiging tatay niya sa isa niyang anak. That’s all a child needs to comfort him, to assure him na meron isang amang tatayo para sa kaniya come what may.
Sabihin pa nating mali ang ginawa ni John Lloyd but who are we to judge? His track record will speak for him, tulad ng sinabi ni Mr. M that he works damn hard – kahit inaabot siya ng 18 hours sa pagtatrabaho at times ay wala kang maririnig na reklamo sa mahusay nating aktor. Kumbaga, it was his time to relax and it just so happened that he was in a not-so-good company kaya siya napahamak in a way.
But more than that, natuwa ako sa pagpasok ni Mr. M sa eksena. Hats off to you, Mr. M. Iyan ang ama -nandiyan para ibigay ang nararapat na suporta sa kaniyang anak.
Mr. M came into the picture not just as a manager but as a second parent to his ward. Ganyan naman talaga dapat ang role ng isang manager – bilang second parent to every child/artist, he must be there to defend or if not appease everything. Win-win ang ginawa ni Mr. M. The acknowledgement of the misdemeanor is very subtle pero the family support that he gave John Lloyd was gigantic.
I saw that in Ms. Mariole Alberto too, Mr. M’s co-head of Star Magic artists, in the past, though mas silent lang si Ms. Mariole pero dama mo ang pagiging guardian niya sa mga bagets. Kaya ako humahanga sa kanila because they make sure na nalalagay nila sa ayos ang mga artista nila. For sure ay kinausap nila si John Lloyd about those issues, napagalitan ni Mr. M iyan for sure pero di ba, tulad nating mga magulang, private nating kinakausap ang ating mga anak para pagalitan pero pagharap sa publiko ay nandiyan tayo para ipagtanggol sila.
Yes, ke tama o mali ang anak natin ay kailangan talaga natin silang ipaglaban. Hindi naman nakapatay ng tao iyan para ikabahala natin. Kung may nagawa man si John Lloyd na kamalian, tao lang siya just like all of us. Ang mahalaga ay inako niya ang kanyang pagkakamali at matapang siyang humingi ng paumanhin sa mga nasaktan niya in the process.
***
Mapalad si John Lloyd ruz at meron siyang nasasandalang tatay in Mr. M. Minsan kailangan talagang may mangyaring hindi kanais-nais para maramdaman mong meron palang tunay na nagmamalasakit sa iyo. Not because you are a bankable star na kahina-hinayang, but because isa kang anak na iniluwal niya sa industriya at kailangang i-guide.
What made his statement huge was because of its sincerity and candidness. Wala nang anik-anik pa. For sure, sobrang saya ni Lloydie to realize that he has good parents sa Star Magic in Mr. M and Ms. Mariole. Puwede na siyang matulog nang mahimbing and go back to work the next day. After all, everything has been said and done, di ba?
Pero Lloydie ha, tulad nga ng sinabi ni Mr. M, you must have learned a lesson from those kalokahan kaya you have to be very careful na.
Ang hindi ko lang gusto ay ang mga naging statement nitong si Ellen Adarna, na kesyo hindi naman daw yoga session or retreat ang pinuntahan nila ni John Lloyd kaya wala siyang nakikitang masama sa mga ginawa ng kanyang rumored boyfriend.
Okay, nandoon na tayo, nasa tamang edad na si Lloydie for him not to know what is right or wrong pero sana naman, since kayo ang nagyaya sa kanya or kasama ang grupo ninyo, sana man lang nag-judgement call kayo kung ang mga bagay-bagay ba na nakunan ninyo ay kailangang i-upload or hindi. Anong purpose ninyo para i-upload pa ang mga video at photo ni Lloydie sa social media? Para sumikat?
Tao rin iyan at nakisama lang sa inyo, medyo nag-overboard lang. Kaya sana medyo dumistansiya na lang muna si Lloydie kay Ellen, kung puwede lang. Walang mabuting maidudulot ang company ng babaeng ito sa kanya. Hindi namin minamaliit ang pagkatao o pagkababae ni Ellen, ang sa amin lang kailangang alagaan ni Lloydie ang kanyang magandang pangalan at imahe sa publiko dahil sa totoong buhay, napakabait niyang tao.
Kaya pakisaup lang kay Ellen, you and your camp have harmed John Lloyd already kaya dapat shut up na lang. Wala na yung mga ganyan-ganyang comments. Kakabuwisit.