FEELING namin talagang napakalakas ng impact ng kontrobersyal na video at mga litrato ni John Lloyd Cruz na kuha sa pagbabakasyon nila ni Ellen Adarna sa Bantayan Islands, Cebu kung saan pinaniniwalaang lasing na lasing ang aktor.
Imagine, kahit si Mr. Johnny Manahan ng Star Magic ay napilitang magbigay ng official statement para ipagtanggol si John Lloyd. Sinabi ni Mr. M na deserve naman ng tulad ni Lloydie na sunud-sunod ang naging trabaho, na mag-relax at mag-chill kasama ang kanyang mga kaibigan.
Nag-sorry na si Lloydie at sinabing natuto rin siya sa nangyari. Partikular niyang tinukoy ang “dirty finger” post na kanyang pinagsisihan dahil sa posibilidad na makita ito ng mga bata.
Kaya nga sa mga “bata” siya humingi ng tawad at hindi sa mga gaya nating nagmamasid dahil para sa kanya at sa grupo nina Ellen, “they were just having a moment of their lives.”
Well, kung anuman ang maaaring idulot nito sa karir at buhay ni Lloydie ay siya nating malalaman soon.
Sa ngayon, isang simpleng pang-unawa at pag-intindi rin ang ibibigay ko sa magaling na aktor dahil kahit naman ang pinakamatitino at disenteng mga tao sa mundo ay nakakagawa ng mga bagay na sa paningin ng iba ay mali.
Nagkataon lang talaga na isang kilalang personalidad si John LLoyd na inaasahan ng marami na magiging kasing-tino, kasing-bait at kasing-disente ng mga roles na ginagampanan niya sa TV man o movies.
***
Personal naming kinausap ang ilang mga kaklase at kaibigan sa mundo ng advertising kung saan may mga product and services endorsements si Lloydie.
Malinaw naman ang kanilang stand na hangga’t mayroong pag-amin at paghingi ng public apology mula sa kanilang endorser or image model ay madali namang maayos ang lahat.
Pero ang backlash sabi ng isang friend namin, “It’s still the public that has the last say. No amount of encouragement and pleasing would easily let things pass as if nothing happens. Kung makaapekto man ito sa sales o campaign namin with him as endorser, madali namang i-let-go ang isang talent.”
Susog ng isa, “Definitely yung consumers ang may last say sa mga existing products and services na naroon siya. Pero for sure, sa parte ng mga media buyers, clients and company owners, may effect yung pangyayari.”
***
Sa gitna ng mga usaping ito, tila dedma at wala lang ang lahat kay Ellen Adarna. Sinabi pa nitong nagbabakasyon lang sila at simpeng nag-eenjoy at wala silang pananagutan kaninuman.
Hindi pa rin nito kinukumpirma kung sila na ba talaga ni Lloydie pero “baby” na nga ang tawagan nila.
Mas lalo namang wa keber si Ellen sa akusasyon ng marami na isa siyang bad influence o masamang ehemplo sa aktor.
Sanay na sanay na nga sa bashing at iskandalo si Ellen mapalaki. simple o mataas na tao man ang nasasangkot sa kanya.
Pero how true ang tsismis na pinag-aaralan na raw ng management kung tsutsugihin na sa sitcom na Home Sweetie Home si Ellen?
Ayon sa ilang ka-Chismackers namin sa bakuran ng ABS-CBN, bigla umanong nagpatawag ng emergency meeting ang produksyon na noon pa nababahala sa kakaibang closeness nina Lloydie at Ellen na magkasama nga sa sitcom.
Sobra raw nabahala ang produksyon dahil may mga posible nga raw sponsors o tie-in patrons ang show na nag-adhere sa good family and values ng kanilang mga major artists.
Hmmmm, hintayin na lang natin po ang anuman dahil for sure, dadaan ang lahat sa tamang proseso.
If ever man mangyari yun, siguro naman ay alam nina Ellen at Lloydie na may consequence ang lahat ng kanilang pag-eenjoy sa buhay.