John Lloyd: I’m sorry…marami akong natutunan sa nangyari!

JOHN LLOYD CRUZ

IN a conversation with his co-star Ogie Diaz sa Home Sweetie Home, sinabi raw ni John Lloyd Cruz na wala siyang pinagsisisihan sa paglabas ng kanyang viral videos and photos na kuha sa Bantayan Island, Cebu kasama si Ellen Adarna.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Ogie ng mahabang aria after ng pag-uusap nila ni Lloydie sa taping ng kanilang sitcom.
“Niyakap ko si JLC pagkita namin sa taping ng Home Sweetie Home. Alam na niya ang ibig sabihin ng mahigpit na yakap.”

Sabi naman daw ng aktor, “Natuto ako, Ogs. Wala naman akong pinagsisisihan, we were enjoying that time. Nalungkot lang talaga ako du’n sa dirty finger. Ayoko siyang makita ng mga bata. I’ve learned so much from this. I’m really sorry.”

“Natuwa din si JLC, dahil despite the viral videos, marami pa rin daw siyang nabasang comments na ipinagtanggol siya at naintindihan siya,” sabi pa ni Ogie.

“Gulat talaga ako du’n. Dami nag-defend din sa akin sa mga comments. Nakakatuwa. Pero, siyempre, lesson learned for me ito. Thank you sa lahat,” ang sagot naman ni JLC.

Read more...