Marian hot mama pa rin, di magpapatalbog kay Kim

SIGURADONG ngayon pa lang ay nagpipiyesta na ang DongYan fans dahil ilang araw na lang ay mapapanood na uli sa GMA

Telebabad ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes.

Ang tinutukoy namin ay ang bagong fantasy-action-comedy series ng Kapuso Network na Super Ma’am na magsisimula na sa darating na Lunes sa GMA Telebabad kapalit ng Mulawin vs Ravena.

Ayon kay Marian, medyo natagalan ang pagbabalik niya sa primetime dahil talagang naghanap sila ng perfect material para sa kanya, lalo na ngayong may asawa na siya at mommy na rin. “Ito talaga ‘yung gusto kong gawin, kasi mapapanood din siya ni Zia at ng iba pang mga bata. Perfect ito sa lahat ng mga bata, panoorin nila ito bago sila matulog at siguradong mag-eenjoy sila.”

Gagampanan ni Marian sa Super Ma’am ang karakter ni Minerva Henerala, isang soft-hearted and dedicated high school teacher na mapagmahal sa kanyang mga estudyante sa kabila ng pagiging pasayaw na mga ito. Ngunit sa likod ng pagiging masayahin at matulungin, isang tragic past pala ang pinagdaanan niya noong bata pa siya, lalo na ang pagkawala ng kanyang ina at kapatid sa isang aksidente.

Tandang-tanda rin ni Minerva ang naging engkuwentro niya sa mga mythical glowing winged-creatures na tinatawag na Tamawo na magbabalik sa kasalukuyang panahon bilang mga tao. Plano nilang pagharian ang mundo kaya maghahasik sila ng lagim sa bawat lugar na kanilang pupuntahan.

At para labanan ang mga kampon ng kadiliman, ang simpleng guro na si Minerva ay magiging si Super Ma’am – kaya siya tatawaging best teacher na, fantastic pa!

Makakasama rin sa bagong fantaserye ng GMA si Helen Gamboa bilang lola ni Marian, ang bagong Kapuso heartthrob na si Matthias Rhoads na gaganap bilang si Trevor Jones, isang American archaeologist and writer na mai-in love kay Super Ma’am.

Ka-join din sa cast sina Joyce Ching, Kristoffer Martin, Kevin Santos, Isabelle de Leon, Andrew Gan, Jackie Lou Blanco, Jillian Ward, Enrico Cuenca, Ash Ortega, Marika Sasaki, Vincent Magbanua, Ralph Noriega, Meg Imperial, Ashley Rivera, Jerald Napoles at Shyr Valdez.

Completing the cast are Al Tantay, Julius Miguel with the special participation of Carmina Villarroel, Dina Bonnevie and the Philippine Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

Kasama rin sa serye ang Asia’s Fantasy na si Kim Domingo na magiging mortal na kalaban ni Marian at asahan ang maaaksyong tagpo sa pagitan ng dalawa bukod pa ‘yan sa patalbugan ng kaseksihan dahil kahit mommy na si Marian ay palaban pa rin ang kanyang katawan.

Ang Super Ma’am ay sa direksyon ni LA Madridejos at magsisimula na sa Sept. 18 sa GMA Telebabad.

Read more...