MRT nagkaaberya muli, 2 pasahero nasugatan

 

MRT

Dalawang pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 ang bahagyang nasugatan kahapon ng biglang huminto ang sinasakyan nilang bagon.
Kanina nasira ang isang south bound train sa Santolan station at pinababa ang mga pasahero alas-7:12 ng umaga.
Alas-7:13 ng umaga ng bigla na lamang huminto ang north bound train sa Shaw Boulevard station dahil sa isang technical problem.
Dahilan nito ay nagkasugat ang 30-anyos na babae at nagka-sprain naman ang 68-anyos na babae.
Muling nasira ang tren alas-8:15 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero sa Magallanes station north bound.
Makalipas ang pitong minuto ay nasawi naman ang isang tren na pa-south bound sa Boni Station. Pinababa rin ang mga pasahero.
Alas-9:11 ng umaga ay nasira naman ang north bound train sa Boni Avenue station.

Read more...