ISANG dating broadcast executive sa sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Aquino ang pilit na nakikisawsaw para makakuha ng proyekto sa kasalukuyang pamahalaan.
Kamakailan ay kinausap at inalok ng negosyo sa pamahalaan ang isang public relations executive sa pag-asang makukuha nila ang tulong nito.
Ang dating broadcast executive ang nag-broker, sa tulong ng isang opisyal ng government owned and control corporation, para kumuha ng serbisyo ng isang PR firm.
Gusto raw kasi nilang tulungan ang pamahalaan na maiparating sa publiko ang mga magagaling na proyekto ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ng PR executive na kanilang kaharap na hindi na ito kailangan dahil maayos naman ang relasyon ng administrasyon sa publiko.
Sa haba ng kanilang pag-uusap ay natunugan ng PR expert ang tunay na motibo ng dating broadcast executive at ng isang opisyal ng GOCC na kanilang kasama sa pulong.
Lumitaw sa kanilang pag-uusap na magmumula sa GOCC ang multi-million pesos na pondo ng PR project sa pamamagitan ng board member nito na kasama sa pulong.
Ang dating broadcast executive na kilalang corrupt ang hahawak ng project at ang kausap nila na PR expert ang mangunguna sa implementasyon ng proyekto.
In short ay pera ang target ni dating broadcast executive sa tulong ni GOCC official.
At dahil hindi feel ng PR expert na gamitin ang pondo ng pamahalaan sa nasabing proyekto kaya kaagad niyang tinapos ang usapan at sinabing hindi siya makiki-isa sa money-making scheme ng dalawa niyang kasama sa naturang meeting.
Ang dating broadcast executive na gumagawa na naman ng pagkakaperahan sa pamahalaan ay si Mr. T….as in Tanda.
May komento o reaksyon sa artikulong ito? I-text ang WACKY, pangalan, lugar at mensahe sa 09156414963.