Rachelle Ann sa US na titira pag kasal na sa dyowang foreigner?

RACHELLE ANN GO

Ilang buwan palang pala ang relasyon ni Rachelle Ann Go sa kanyang American boyfriend na si Martin Spies pero nag-propose na agad ang binata kaya pala sumama siyang umuwi rito sa Pilipinas.

Sa Boracay Island kung saan nagbakasyon sina Rachelle Ann kasama ang pamilya niya nangyari ang proposal ni Martin sa dalaga na kaagad din naman niyang sinagot ng “Yes!”

As of this writing ay wala pang binanggit kung kailan ang kasal, saan gaganapin at kung saan mananatili si Rachelle Ann – sa Pilipinas ba o sa Amerika dahil naroon ang trabaho ng mapapangasawa niyang si Martin.

Inisip nga namin na baka tinatapos na lang ni Rachelle ang stint niya sa Miss Saigon sa Broadway New York City, USA para magpakasal sila ni Martin, pero may isang taong kontrata pa pala siya for Hamilton musical play na gaganapin sa Victoria Palace Theater, London sa Disyembre, 2017.

Sa madaling salita late 2018 or early 2019 ang kasal nina Rachelle at Martin at posible rin na sa Amerika na manirahan ang singer/actress para samahan ang asawa roon.

Baka dadalaw-dalaw na lang sila ng Pilipinas dahil sa pagkakaalam namin gusto pa rin ng singer-actress na ipagpatuloy ang kanyang career dito sa Pilipinas.

Read more...