Mr. M sa ‘video scandal’ ni John Lloyd: Mas magiging maingat na siya ngayon!

JOHN LLOYD CRUZ

Nag-issue na rin ng statement ang Star Magic head na si Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ni John Lloyd Cruz.

Narito ang ilang bahagi ng kanyang pahayag: “JLC works hard as an actor… 18 hr. days at a stretch. He was just letting off some steam.

“In this age of an all pervasive social media, what is ok and innocent in private becomes worthlessly controversial in public. He will have learned his lesson and be more careful in the future.”

Kumalat sa social media ang mga litrato at video ni John Lloyd na kuha sa Cebu habang nagbabakasyon sila roon ni Ellen Adarna. Humingi na rin ng paumanhin ang aktor sa nasabing kontrobersiya.

Marami rin namang nagtanggol sa binata matapos kumalat ang nasabing mga video at litrato.

Read more...