Samar niyanig ng magnitude 4.9 lindol

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.9 ang Eastern Samar kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:25 ng umaga.
Ang sentro ng lindol ay 42 kilometro sa silangan ng Guiuan. May lalim itong 54 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity IV sa Guiuan. Intensity III sa Salcedo at Lawaan, Eastern Samar. At Intensity II sa Tacloban at Palo, Leyte.
Niyanig din ng dalawang lindol ang Leyte kahapon. Naramdaman ang magnitude 3.7 alas-12:55 ng hapon. Ang sentro nito ay tatlong kilometro sa kanluran ng Capoocan.
Nagresulta ito sa paggalaw na Intensity III sa Capoocan, Kananga at Leyte. Intensity II naman sa Ormoc City.
Alas-1:06 ng hapon naramdaman ang magnitude 2.8 lindol. Ang sentro nito ay 10 kilometro sa Capoocan.
Naramdaman ang Intensity II sa Capoocan, Kanganga at Leyte sa pagyanig na ito.

Read more...