PINAGPISTAHAN sa isang malaking umpukan isang gabing umuulan ang nakakalokang kuwento kung paano ginagawang robot ang isang kilalang male personality ng kanyang misis.
Isang tingin lang kuno ng kanyang karelasyon ay tameme na agad ang male performer. Nakukuha siya agad sa isang senyas lang ng kanyang misis.
Kuwento ng isang source, “Maganda ang samahan nila, walang controversy, paano nga, under de saya naman yata ang padre de pamilya! Nakakaloka! Sa isang ti-ngin lang, e, wala nang nagagawa ang guy, sunod na lang nang sunod!”
Sabi naman ng isa pang miron sa umpukan, “Naku, ilang beses na naming nakatrabaho ang magdyowang ‘yan! Okey si lalaki, pero si babae, maraming katsang! Kapag kinuha mo sa isang show ang guy, kailangang sangkatutak na meeting ang pagdaanan!
“Paulit-ulit lang naman ang pinag-uusapan. Tungkol sa security dahil baka raw masaktan sa pagkakagulo ang husband niya. Tungkol sa food dahil marami raw bawal kainin ang mister niya.
“Tungkol sa technical rider, kaila-ngang kumpleto ang aakumpanyang mga musikero sa husband niya, mabusisi raw kasi ang male performer pagdating na sa musicality niya, ganern!
“E, hindi naman uso ang ganyan sa mga singers, di ba? Kapag okey na ang schedule, ang ta-lent fee at ang iba pang detalye, tapos na ang transaksiyon!
“Ganu’n lang kasimple ang usapan, walang meeting, walang kung anu-anong e-mails, walang mga kaartehan!” sabi ng ikalawang impormante.
Kaya ang madalas tuloy mangyari ay umuurong ang mga show promoters, hindi na lang nila kinukuha ang male singer, kahit pa mara-ming may gusto sa kanyang performance.
“Maraming show producers at promoters ang may gustong kunin ang serbisyo ng male singer, pero dahil nga sa kadiwaraan ng wife niya, hindi bale na lang! Humahanap na lang sila ng iba.
“Kilalang-kilala n’yo ang mga bumibida sa kuwentong ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kayo pa?” pagtatapos ng aming source.