Idinaan ni Binoe sa kanyang Instagram account ang kanyang sama ng loob. Aniya, “Isa na namang dagok ang bumalot sa isang makasaysayang ganap na makapagbibigay sana ng mas kamulatan sa aking pag aaral ng kasaysayan ng Inangbayan bago dumating ang mga mananakop na mga puti mula sa Europa.
“Ako’y pinalad na maimbita ng mahal na prinsesa ng Sultanate of Sulu para tumungo sa China at masaksihan ang magaganap na pagdiriwang ng napakatandang relasyon ng malakas na bansang Tsino/China at ng Sultanate of Sulu.
“Sa hindi maipaliwang na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa Bureau of Immigration.
“Napakagulo ng naganap na ito sapagkat noong ako’y (bigyan) ng conditional pardon lamang, kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag-alis ng Inangbayan pero ngayon na Absolute Pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI.
“Wala naman akong bagong kaso sa kahit saan na korte, wala akong makitang dahilan maliban sa TATTOO ko na dragon…baka pati ako ay TRIAD na rin…naku po naman baka ipatawag pa ako ng senado abay hindi ko kayo tatanggihan game ako dyan. Nakapanghihina naman po ang binabayaran kong malaking tax kung palagi akong kasama sa usual suspect.
“Binigyan na po ako ng isang pagkakataon ng Pangulo Rodrigo Duterte, sana po ay pati ang mga nasa ilalim na sangay ng gobyerno ay bigyan din ako ng pagkakataon.
“Matanda na rin po ako ang mga ganitong legal stress ay damage na po ang binibigay hindi na po thrill… sumaatin nawa ang kapayapaan. Amen.”
Kasabay ng paglalabas niya ng kanyang saloobin sa social media, ipinost din ni Robin ang litrato ng kanyang binti na may “dragon” tattoo. Wala namang inilagay na caption si Binoe sa nasabing larawan.
Robin hinarang ng Immigration, di pinayagang pumunta ng China
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...