Poe pangungunahan ang imbestigasyon vs naglalahong prepaid load

NAKATAKDANG magsagawa ang Senado ng imbestigasyon  kaugnay ng mga reklamo hinggil sa kinakain na load at masamang serbisyo ng mga  telecommunication companies (telcos).

“Matagal nang reklamo ng ating mga kababayan ang naglalahong load kahit hindi naman nila ginagamit,”  sabi ni  Sen. Grace Poe, chair ng  Senate committee on public services.

Idinagdag ni Poe na tatalakayin ng kanyang komite ang  Senate Bill No. 848 o panukalang Prepaid Load Protection Act, kung saan layunin nito na ipagbawal ang paglalagay ng expiration sa mga prepaid load.

“Kailangang mabigyan sila ng proteksyon dahil hindi biro ang perang pinambibili nila ng load para makausap ang kanilang mga mahal sa buhay,” dagdag ni Poe.

Idinagdag ni Poe na inaasahang dadalo ang mga kinatawan ng  National Telecommunications Commission (NTC),  Globe at Smart at mga  consumer groups.

Read more...