P6M nasungkit sa Cavite

    Isang mananaya sa Cavite ang nanalo ng P6 milyong jackpot ng Lotto 6/42 sa bola kagabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Panapaan, Bacoor. Siya ay tumaya ng lucky pick.
    Siya ang nagiisang tumaya sa winning number combination na 10-41-21-11-29-37. Umabot sa P13.8 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
    Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 15 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P480 naman ang 1,134 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 18,033 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...