Mark payag maging alalay ni Wynwin sa Bolivia

WYNWIN MARQUEZ AT MARK HERRAS

Kahanga-hanga si Wynwyn Marquez na nanalo ng titulong Reina HispanoAmericana, isa sa major titles ng katatapos na Miss World-Philippines 2017.

Ipinakita ng seksi at matalinong anak nina Alma Moreno at Joey Marquez ang kanyang husay sa pagrampa at pagsagot sa Q&A.

Hindi man ito ang unang beses na sumali si Wynwyn sa isang beauty pageant, very obvious naman ang kanyang bonggang preparasyon. Halos lutang siya sa lahat ng pre-pageant segments ng Miss World PH kaya’t madali siyang nakapasok sa top 15 and eventually sa top 10 at nanalo nga ng major title.

For sure very proud parents sina Joey at Alma, lalo na ang huli na noong kanyang kasikatan sa showbiz ay nagreyna naman talaga sa kagandahan, hindi nga lang sa beauty pageants.

Si Tsong Joey naman ay siguradong kinabahan dahil tanda pa namin ang emote niyang hindi siya maihi na ewan everytime na rumarampa ang anak, lalo na sa announcement ng semifinalists.

Sasabak ngayong November sa kauna-unahang Reina HispanoAmericana na gaganapin sa Bolivia si Wynwyn at siya nga ang first Pinay representative natin.

Her boyfriend Mark Herras also expressed his full support sa dalaga at okay lang daw sa kanya kahit maging alalay o tagabitbit lang ito ng mga isusuot ng dalaga. Ganyan ang ibinibigay na suporta ni Mark sa kanyang girlfriend kaya puring-puri siya ng pamilya ng dalaga.

Congrats again Wynwyn and good luck!

Read more...