Kahit mga taga-showbiz ay tumigil muna sa kanilang mga trabaho para silipin ang Senate hearing kung saan bumida nga ang mag-brother-in-law na sina Vice Mayor Paolo Duterte and Atty. Mans Carpio.
Masyado kasing exciting ang event na ito – bigger than the former Pacquiao match dahil ang buhay ng bayan ang nakasalalay rito. Alam niyo na!
Pagkakataon na sana ni Vice Mayor Paolo Duterte na ma-vindicate sa ibinibintang sa kanyang mga illegal involvements lalo na sa usaping smuggling and drugs na dininig nu’ng isang araw sa Senado kung ipinakita niya ang tinutukoy ni Sen. Antonio Trillanes na tattoo sa kaniyang likod – isang colored tattoo na may dragon na simbolo raw ng pagiging member ng Chinese triad, isang uri ng local mafia na sangkot sa illegal activities sa Asia.
Nang tanungin kasi siya ni Sen. Trillanes kung meron ba siyang tattoo sa likod, umamin naman ang batang Duterte pero nang hilingin ng senador na puwede ba niyang ipakita ito para malaman ng bayan kung tugma ito sa lumabas sa kanyang intel report from a foreign country na ganoon nga ang design ng said tattoo sa likod niya, mabilis na tumugon muna si Paolo ng “NO WAY!” bago sinundan ng “I invoke my right to privacy.”
Kung halimbawa’y hindi totoo ang sinasabi ni Trillanes regarding that tattoo, chance na sana ni Paolo na ipahiya ang senador at ma-vindicate siya. At kung hindi siya guilty, siguradong matutuwa ang ama niyang si Pangulong Rodrigo Duterte na nagsabing magre-resign sakaling mapatunayang involved nga ang anak sa illegal drugs at corruption.
Since hindi nga ipinakita ni Vice Mayor Duterte ang sinasabing tattoo, nabuo ang malaking pagdududa sa isipan ng buong Pilipinas (excluding their die-hard and blind 16 million followers) na meron ngang itinatago ang batang Duterte.
Hay naku, kapag naging totoo ang sinasabing ito ni Sen. Trillanes, mas marami na ang maniniwalang drama lang ni Pangulong Duterte ang sinasabi niyang war on drugs – lumalabas daw na they are just killing competitors.
Huwag naman sana. Kawawa naman ang buong bansa natin kung totoo ang hinala nilang ito.