Martir na aktor sumuko sa diktador na asawa; hiwalay na

TALAGA naman palang sa hiwalayan din ang tuloy ng relasyon ng isang aktor at ng isang female personality na parang jack of all trades ang dating. Puwede siya sa lahat.

Ayon sa mga impormanteng nakasubaybay sa kanilang pagsasama ay matiisin lang kuno ang lalaking personalidad kaya nagtagal ang kanilang pagsasama.

Kuwento ng isang source, “Naku, nakakaawa si ____ (pa-ngalan ng male personality) sa babaeng ‘yun, parang binabalewala lang siya, lalo na nu’ng magtagal na ang relasyon nila.

“Para nang tau-tauhan ang guy, parang wala na siyang saysay, ang girl ang palaging nasusunod sa family nila. E, ang dami-dami naman kasing bumubulong sa girl, kaya ayun, nagkahiwalay rin sila!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Mula sa isang showbiz clan ang aktor, maganda ang kanilang pangalan sa industriya, samantalang ang babae naman ay bigla na lang sumulpot mula sa kung saang lupalop ng mundo para mag-artista.

“Nu’ng una, e, maayos naman ang pagsasama nila. Submissive naman ang babae sa husband niya. Pero ang problema, e, pumasok na sa eksena ang mga bulong brigade ng girl!

“Sa pag-aakala nilang sikat ang girl, ayun na, bulong dito, bulong du’n na ang nangyari. At ang girl naman, e, nagpadala sa mga sulsol sa kanya!

“Mas pinakinggan niya ang mga bulong ng mga kamag-anak niya, nawalan na ng boses ang guy, hanggang sa maging away-bati na ang relasyon nila.

“Magbabalikan sila sandali, pero mag-aaway na naman, maghihiwalay na naman sila. Palaging ganu’n, hanggang sa nagising na rin sa katotohanan ang lalaki na walang mangyayari sa relasyon nila kapag ganu’n na nakikinig sa mga bulong at sulsol ang wife niya.

“Waley na sila ngayon. Sayaw na lang nang sayaw ang girl, pinawawalang-bisa na ang kasal nila, waiting na lang sila sa pormal nilang paghihiwalay.

“Mabait pa naman ang lalaki, walang kaangas-angas, kapangalan niya ang bagong-bagong shopping mall ngayon at ang girl naman, e, may kapangalang magaling na singer,” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na ba kung sinu-sino ang mga bumibida sa ating kuwento? Si Ching Bautista Silverio kaya, panalo?

Read more...