Paolo Duterte tumangging ipakita ang tattoo

TUMANGGI si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na ipakita ang kanyang  tattoo sa kanyang likod matapos namang sabihin ni Sen. Antonio Trillanes IV na posibleng ebidensiya ito na miyembro siya ng isang international triad.
“No way,” sabi ni Duterte kay Trillanes. Tinama niya ang kanyang sagot at sinabing, “Mr. Chair, no way.”
Ayon kay Trillanes, batay sa kanyang natanggap na intelligence reports, may tattoo umano si Duterte na bahagi ng “sacred digits” na maaaring ipabasa sa United States’ Drug Enforcement Agency.

Read more...