Tumaas ng P0.8642 kada kiloWatt hour ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan.
Nangangahulugan na tataas ng P172 ang babayaran ng gumagamit ng 200 kWh, P258 sa kumokonsumo ng 300 kWh, P344 sa 400 kWh at P430 sa 500kWh.
Ang singil sa bawat kWh ngayong buwan ay tataas sa P9.2491. Noong Agosto ang singil ng Meralco ay P8.3849 kada kWh, mas mababa dahil ibinawas dito ang P0.8794 kada kWh na refund.
Ipinatupad ang refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission noong Hunyo, Hulyo at Agosto.
Ang singil ngayong buwan ay mas mababa kumpara sa P9.6 kada kWh na singil noong Mayo.
MOST READ
LATEST STORIES