TIYAK na mag-iinit ang ulo ni Pangulong Duterte kapag nalaman niyang gumagawa ng pera ang isa sa kanyang mga appointee bilang board member ng isang ahensya ng gobyerno.
Para hindi halatang manggungupit sa pondo ng bayan ay isang public relations work ang gustong pondohan ni Mr. Director.
Nakatutok ang PR work na ito para umano pabanguhin ang imahe ng Pangulo na sa tingin ko ay hindi na dapat dahil nananatili namang mataas ang approval at trust rating ng chief executive.
Bukod dito ay public fund ang gustong gamitin ni Sir sa tulong ng isang dating opisyal ng Philippine Broadcasting Service na gusto ring makibahagi sa nasabing special operation.
Sinabi ng ating Cricket na umaabot sa P50 milyon ang inilalaang budget ng opisyal para sa bawat taon ng ikinakasang operas-yon.
Umaabot sa P10 milyon ang kanyang paunang alok sa grupo na gusto niyang mamahala sa operasyon dahil sa totoo lang ay wala naman siyang alam sa PR job.
Malinaw na umaabot sa P40 milyon ang paghahatian nila ng kanyang mga kakuntsaba sa raket na ito.
Sinabi ng aking Cricket na mali ang pinaglalaanan ng pondo ng nasabing opisyal dahil ang kinaaaniban niyang ahensya ay hindi naman talaga involved sa pagsasaayos ng imahe ng Pangulo.
Malinaw na gagawa lang sila ng pera gamit ang pangalan ng lider ng bansa.
Sana ay makarating ang impormasyon na ito sa Pangulo bago pa man magamit sa maling pamamaraan ang salaping
ipinagkatiwala ng mga miyembro ng ahensya sa ating gobyerno.
Madaling makilala ang opisyal na tinutukoy natin dahil kaapelyedo niya ang isang dating opisyal ng Duterte administration na sinibak din dahil sa ulat ng katiwalian.
Ang miyembro ng board ng isang government agency na gumagawa ng raket sa gobyerno gamit ang pangalan ng pangulo ay si Mr. L…..as in-Love.