NO boyfriend since birth pala itong si Ritz Azul kaya naman we asked her kung bakit at 23 ay wala pa talaga siyang dyowa.
“Darating din ‘yung time. Tingnan natin kung malapit-lapit na o kung kailan. Pero para sa akin ay priority ang career, family. Nandoon pa ako sa phase na ‘yon. Siguro kasi lumaki ako na hindi masyadong na-open sa mga ganoong bagay.
“Hindi ako napasama doon sa phase na kilig-kilig sa high school life,” say ni Ritz na leading lady ni Paulo Avelino sa The Promise Of Forever ng ABS-CBN. But she was quick to deny na tomboy siya. “Pero hindi ako lesbian. Alam ko naman, kinikilig pa rin ako sa lalaki,” she mused.
Then, she explained kung bakit boyfriend-less pa rin siya until now. “Gusto kong maging stable muna ako kasi para sa akin responsibility ang pagkakaroon ng relationship and kung magkaroon man ako ng boyfriend gusto ko buong time ko nasa kanya.
“Hindi naman mataas ang standards ko. Ang sa akin lang pagiging genuine, ‘yung respect, God-fearing, its more on sa loob, hindi ako tumitingin sa physical,” she said.