NAGHAIN ng resolusyon ang mga militanteng kongresista upang imbestigahan ng Kamara ang pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz.
Ayon sa House Resolution 1279 dapat umanong mapanagot ang mga pulis na nasa likod ng pagpatay kay Arnaiz na pinaniniwalaang biktima ng extrajudicial killings.
Ginamit na batayan sa resolusyon ang resulta ng pag-aaral ng Public Attorney’s Office Forensic Laboratory Services na nag-aral sa labi ni Arnaiz.
“The PAO found evidence of torture, saying that the killing was done ‘execution style’ with ‘very obvious…intent to kill,’ not just to incapacitate the victim.”
Ang pagpatay kay Arnaiz ay katulad umano ng pagpatay kay Kian delos Santos na pinaniniwalaang pinatay din ng walang laban at sinabi lamang na nanlaban sa mga pulis-Caloocan.
MOST READ
LATEST STORIES